Hiring ng DOH contact tracers, pinatitigil

Pinatitigil ni Senate President Vicente Sotto III ang hakbang ng Department of Health (DOH) na mag- hire ng libu-libong mga contact tracers para makontrol ang pagkalat ng Covid-19.

Sa halip na kumuha ng mga contact tracers, iminungkahi ni Sotto na gamitin na lang ang 11. 7 billion pesos na pondo ng DOH sa pagbili ng mga gamot at iba pang medical equipment.

Mas kailangan aniya ng pondo para gamutin ang mahigit 15,000 pang mga pinoy na tinamaan ng virus para mas maging mabilis ang kanilang paggaling.

Nangangamba ang Senador na masasayang lang ang pondo lalot wala namang experience at hindi naman na train ang mga makukuhang contact tracers.

Made-delay naman aniya at maaring mas kumalat ang virus kung isasailalim muna sa training ang mga kukuning contact tracers bago isabak sa kanilang trabaho.

Iginiit ni Sotto na mas epektibong katuwang ang mga Local Government Units sa pagtukoy ng mga posibleng positibo sa kaso ng Covid sa kani-kanilang mga nasasakupang baranggay at hindi na kinakailangang gumastos ang gobyerno.

Statement of Senate Pres. Vicente Sotto:

It will be wiser and more practical to divert the P11.7 billion for the treatment of patients. We need funds to treat our sick kababayans. Mas mahalagang gamitin na lang ang pondong ito para sa pagbili ng mga gamot at medical equipment na makakatulong sa paggaling ng mga pasyente. What i am suggesting is for the DOH to be more prudent on how the country’s funds are being used. But of course, the decision is still with the President”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us: