Hirit na karagdagang minimum wage, pinag-aaralan na ng RTWPB

Magsasagawa pa ng consensus ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board  (RTWPB) sa hirit ng Associated Labor Unions -Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na dagdagan ang take-home pay ng mga manggagawa para makasabay sa matataas na presyo ng mga bilihin pati na rin sa mataas na inflation rate ng bansa.

Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, ang RTWPB ang nagsasagawa ng pag-aaral kung magkano at kung merong pangangailangan ng adjustment sa suweldo ng mga manggagawa sa bansa.

Nakatakda na aniya ang hearing sa management group para sa nasabing usapin at matapos nito ay sasalain ang consensus para makapagsumite na ng kanilang rekomendasyon.

Kinokonsulta rin ng RTWPB ang Finance department lalu na ang mga economic advisers para sa kanilang input.

Ang ALU-TUCP ay humihirit ng karagdagang 334 piso para sa dati nang umiiral na 512 piso kada araw na minimum wage sa Metro Manila.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *