Holyfield napiling makalaban ni Belfort matapos magpositibo ni De La Hoya sa COVID-19
Si Evander Holyfield na ang ang makakalaban ni Vitor Belfort sa Sabado, matapos umatras ng dating boxing great na si Oscar De La Hoya sa one-off comeback bout dahil nagpositibo ito sa Covid-19.
Subalit ang laban ay inilipat sa Florida mula sa Los Angeles Staples Center, makaraang tumanggi ng California authorities na pahintulutan ang laban ng dating Brazilian mixed martial arts star na si Belfort at dating heavyweight world champion na si Holyfield, na magdiriwang na ng kaniyang ika-59 na taong kaarawan sa susunod na buwan.
Si Holyfield ay hindi na lumaban mula noong 2011, subalit lumagda siya sa isang deal para kaharapin si Kevin McBride sa mga unang bahagi ng 2021, at may posibilidad pang makalaban nya rin ang dati nang nakatunggali na si Mike Tyson.
Makaraang hindi matuloy ang laban nila ni McBride, ay nagpost si Holyfield sa kaniyang Instagram nitong August kung saan sinabi niya . . . “I’ve been training hard for months and I promise my fans I will step back in the ring at least one more time before I lay my gloves to rest for good.”