Hong Kong leader Carrie Lam bababa na sa puwesto
Inanunsiyo ng leader ng Hong Kong na si Carrie Lam, na bababa na siya sa puwesto sa June, para tapusin na ang terminong nabalot ng mga protesta at mahigpit na mga restriksiyon dulot ng pandemya, sanhi para makaranas ng international isolation ang business hub.
Upang matigil ang ilang buwan nang espekulasyon, kinumpirma ni Lam na hindi na niya nais ng ikalawang termino, kapag pumili na ng bagong lider sa susunod na buwan ang komite na binubuo ng political elite ng lungsod.
Aniya . . . “I will complete my five-year term as chief executive on June 30, and officially conclude my 42-year career in government.”
Sinabi ni Lam, na nirerespeto at nauunawaan ng mga lider ng China ang desisyon niyang huwag nang tumakbo para sa ikalawang termino at ang pagnanais niyang magkaroon ng mas maraming oras sa kaniyang pamilya.
Si Lam na isang career bureaucrat, ang naging unang babaeng lider ng Hong Kong noong 2017.
Ilang buwan na ring iniwasan ng 64-anyos na lider ang mga tanong kung siya ba ay tatakbo pa, pero sa kaniyang anunsiyo ngayong Lunes ay ibinunyag niya na ipinabatid na niya sa Beijing ang plano niyang pagbaba sa puwesto, higit isang taon na ang nakalilipas.
Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw sa mga mamamayan ng Hong Kong at mga negosyong nakabase sa finance hub kung sino ang susunod na magiging lider.
Ang posisyon ng chief executive ay hindi popular na pinagbobotohan, na isa sa mga demand ng ilang taon nang democracy protests.
Sa halip, ang posisyon ay pinipili ng 1,500-malalakas na pro-Beijing committee, ang katumbas ng 0.02 percent ng 7.4 na milyong populasyon ng siyudad.
Ang susunod na chief executive ng lungsod ay pipiliin sa May 8, nguni’t wala pa ni isa na nagpapakita ng interes sa puwesto.