Honorary Consulate ng Israel, binuksan sa Davao City
Pormal nang binuksan ng Israel ang Honorary Consulate nito sa Davao City.
Pinangunahan ni Israel Honorary Consul for Mindanao Jorge Marquez ang seremonya sa Davao City.
Sa kanyang video message, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang mahalagang pangyayari sa mahabang kasaysayan ng bilateral relations ng Pilipinas at Israel ang pagbubukas ng consulate.
Inihayag ng Pangulo na lalong pagtitibayin nito ang magandang ugnayan, tiwala, pagtutulungan, at pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon pa sa Pangulo, ang presensya ng Israel ay mag-aambag sa pag-unlad ng Mindanao sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bagong oportunidad, trabaho, investments at iba pa.
Kasabay ng pagpapasinaya sa consulate, isinagawa rin ang virtual confernment kay Honorary Consul Marquez na pinangasiwaan ni Ambassador Rafael Harpaz.
Sinabi ni Ambassador Harpaz na mas lalalim at lalawak ang bilateral relations ng Israel at Pilipinas partikular sa ekonomiya, turismo, commercial, at innovative sectors dahil sa pagbubukas ng konsulado.
Moira Encina