Hornets, tinalo ng Nets
LOS ANGELES, United States (AFP) – Naka-score ng isang team-high 21 points si Jeff Green, habang ang Brooklyn Nets ang naging unang Eastern Conference team na nanalo ng 20 home games ngayong season na may 111-89 kontra Charlotte Hornets.
Gumawa ng 15 points at 11 rebounds si Kyrie Irving, si Landry Shamet naman ay nakapag ambag ng 17 points habang 15 points naman si Tyler Johnson para sa Nets na nanalo pa rin kahit wala si James Harden.
Ayon kay Green . . . “Tonight we did just what we expected to do coming out of the gate. We got stops and defence turned into offence and that’s how we were able to get rolling.”
Si Harden ay may hamstring injury simula pa noong Miyerkoles.
Subalit hindi na kailangan ng Nets si Harden o kahit ang may injury rin na sin Kevin Durant, nang makagawa ng 32-11 lead matapos ang 1st quarter sa harap ng limitadong fans sa Barclays Center arena sa New York.
Ito naman ang kauna-unahang laro ni LaMarcus Aldridge kasama ang Nets, kung saan naglaro siya bilang center at nakagawa ng 11 points, nine rebounds at six assists.
Nagdagdag din ng 14 points para sa Nets si Bruce Brown.
Ayon kay Aldridge . . . “We just tried to talk on defence. I tried to lead. Tonight was great. I was trying to bring that energy.”
Samantala, kapwa umiskor ng 13 points para sa Hornets si Gordon Hayward at Devonte’ Graham, habang si Terry Rozier ay nag-ambag ng 12 points.
Si Malik Monk ay may 11 points at si Miles Bridges ay nagdagdag ng 10 points para sa Hornets.
Sumasabay din ang Philadelphia 76ers sa Nets para sa number one seed sa standings, kung saan tinapos nila ang kanilang six-game road swing sa pamamagitan ng pagwawagi laban sa Cleveland Cavaliers sa score na 114-94.
Sinabi ni 76ers coach Doc Rivers . . . “That was a heck of a trip for us.”
Nagbigay ng isang team high 27 points si Shake Milton, kung saan naibuslo niya ang 10 sa 14 na shots.
Si Seth Curry ay nagtapos sa 19 points, kabilang ang limang three pointers, habang si Dwight Howard naman ay nag-ambag ng 18 points at 15 rebounds para sa Sixers, na mayroon nang apat na panalo at dalawang talo.
© Agence France-Presse