Hospital utilization rate sa bansa, nananatiling mataas- DOH

Mahigit pa rin sa 70 percent ang hospital utilization rate sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 4 ang higit 90 lugar sa bansa.

Sa Metro Manila lamang aniya ay pumapalo sa 76% ang average intensive care unit utilization rate ng mga ospital.

Dahil dito, nanawagan si Vergeire sa publiko na huwag magpakampante at manatiling sumusunod sa minimum public health protocol upang mapababa ang bilang ng mga naaadmit sa mga pagamutan sanhi ng Covid-19 virus.

Sa ngayon ay inoobserbahan pa aniya ng DOH ang magiging epekto ng pinalawig na Alert Level system sa Metro Manila para sa datos ng mga kaso ng virus infection at kung nagkaroon ng pagbaba sa mga laboratory output.

Simula sa susunod na linggo ay isasama na aniya nila ang rapid antigen test results sa daily case bulletin ng DOH.

Please follow and like us: