Hostage drama sa Hamburg airport natapos na
Isang armadong ama na nang-hostage ng kaniyang apat na taong gulang na anak na babae, na naging sanhi upang mapilitang suspindihin ang mga flight sa airport ng Hamburg, ang sumuko na “nang walang pagtutol” pagkatapos ng iang oras na negosasyon ayon sa German police.
Iniharang ng 35-anyos ang kaniyang sarili at ang kaniyang anak sa kanilang sasakyan sa paanan ng isang Turkish Airlines plane, at hinihinging payagan siyang makasakay sa eroplano pagkatapos ng pakikipagtalo sa ina ng bata tungkol sa isyu ng child custody.
Ayon sa pulisya, ibinangga niya ang kaniyang sasakyan sa security area ng lugar kung saan nakaparada ang mga eroplano, nagpaputok ng dalawang beses sa ere at nambato ng dalawang molotov bombs mula sa kaniyang sasakyan.
Sa post ng pulisya sa social media, “The hostage-taking has ended. The man has left his car with his daughter and been taken for questioning by security forces without resistance, the child seems in good health.”
Nagdala ang pulisya ng psychologists at teams of negotiators maging ng rapid response units sa paliparan sa northern Germany.
Sinabi ng mga awtoridad, pinaniniwalaang ang pagtatalo tungkol sa kustodiya ng bata ang nasa likod ng insidente, kung saan ang ina ng bata ay nag-emergency call at inalerto ang pulis sa pagdukot sa kaniyang anak.
Inilarawan ng pulisya ang mahabang negosasyon kung saan inanunsiyo ng mga awtoridad na ang ama ay pinaniniwalaang armado ng loaded weapon at eksplosibo.
Ang lalaki na isang Turkish national ay unang humiling na payagan siyang sumakay sa eroplano kasama ang anak niyang babae.
Ayon kay police spokeswoman Sandra Levgruen, “That’s no longer the aim of negotiations. We believe that the child is physically well. That’s what we can see and what we gather from telephone conversations with the man responsible for what has happened. We can hear the child in the background. I don’t want to talk about her mental state.”
Dagdag pa ng tagapagsalita, “We are talking, talking and talking again, with the father, and trying to find a peaceful solution.”
Kaugnay ng pangyayari ay 17 flights na nakatakda sanang lumapag sa Hamburg ang na-divert, habang 286 iba pang flights na nakatakda namang lumapag nitong Linggo na may lulang 34,500 mga pasahero ang na-divert din.
Nagpost naman ang airport management hanggang nitong Linggo ng umaga na nagsasabing, “Air traffic remains suspended until further notice.”