Hosting ng Pilipinas sa 30th Sea Games, mahigpit na imomonitor ng Malakanyang
Tututukan ng Malakanyang ang magiging takbo ng hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asean Games.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi maikakaila na mayroong mga pagkukulang ang Organizing Committee ng SEA games na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano na pinapalala pa ng mga mga naglakabasang mga fake news na nakakaapekto sa imahe ng bansa bilang host country.
Ayon kay Panelo welcome sa Malakanyang ang isasagawang inbestigasyon ng senado sa mga aberya sa SEA games at magsasagawa din ng sariling inbestigasyon ang Palasyo para papanagutin ang mga may pananagutan.
Inihayag ni Panelo na sa ngayon iwasan muna sana ang paninira at sa hilip ay ibigay ang buong suporta para mairaos ng maayos ang hosting ng Pilipinas sa SEA games.
Umapela din ang Malakanyang sa sambayanang Pilipino na suportahan ang mga atletang pinoy sa SEA games para makasungkit ng maraming medalya na may kalakip naninsentibo mula sa pamahalaan.
Ulat ni Vic Somintac