Hotel sa Argentina gumuho, mga na-trap hinahanap na ng mga bumbero
Gumuho ang isang sampung palapag na gusali sa coastal city ng Villa Gesell sa Buenos Aires province ng Argentina.
Ayon sa pahayag ng lokal na munisipalidad, nasa pagitan ng pito at siyam katao, kabilang ang mga manggagawa mula sa Aayon construction site, na umano’y nag-o-operate nang walang municipal permit sa Dubrovnik hotel, ang pinaniniwalaang nasa loob nang mangyari ang pagguho.
Inaalis na ng rescue teams ang mga debris upang makuha ang mga na-trap.
Ayon sa mga awtoridad ng Villa Gesell, noong Agosto ng taong kasalukuyan ay ipinatigil na ng munisipalidad ang construction work sa naturang site.
Please follow and like us: