House Committee on Good Government and Public Accountability, maglalabas ng summary report kaugnay ng imbestigasyon sa 612 million pesos confidential at intelligence fund ni VP Sara Duterte

Habang inihahanda ang pagtalakay ng kamara sa impeachment complaints na inihain laban kay Vice President Sara Duterte, maglalabas ng summary report ang House Committee on Good Government and Public Accountability sa sinasabing hindi maipaliwanag na 612 million pesos na confidential at intelligence fund ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd), noong siya pa ang kalihim ng kagawaran.

Congressman Joel Chua / Photo courtesy of congress.gov.oh

Sinabi ni Congressman Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, gagawa muna ang komite ng summary report hinggil sa mga natuklasan na umano’y maanomalyang paggamit ng bise presidente sa kaniyang confidential at intelligence fund.

Ayon kay Chua, nagawa na ng komite ang trabaho sa imbestigasyon sa paggamit ng confidential and intelligence fund ng pangalawang pangulo in aid of legislation.

Sinabi naman ni Congressman Zia Alonto Adiong, miyembro ng House Committee on GoOD Government and Public Accountability, na mayroon nang panukalang batas na nabuo ang komite lalo na ang ukol sa paggamit ng confidential and inteligence fund.

Congressman Zia Alonto Adiong / Photo courtesy of congress.gov.oh

Ayon kay Adiong, hihigpitan ang paggamit ng confidential and intelligence fund upang maging institutionalize at para ito ay maging discritionary sa kamay ng pinuno ng ahensiya.

Niliwanag ni Chua, na hindi pa iti-terminate ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, dahil mayroon pang mga isyu na dapat linawin hinggil sa usapin ng confidential and intelligence fund ng Office of the Vice President.

Binigyang diin ni Chua, na anomang katanungan na hindi sinagot ni VP Sara sa House Committee on Good Government and Public Accountability, ay bahala na ang House Committee on Justice na obligahin ang bise presidente na ipaliwanag at sagutin dahil dito ibabatay ang hatol sa kaniya kaugnay ng impeachment case na kaniyang kakaharapin sa kongreso.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *