House Majority Leader Rolando Andaya Jr., naghain ng petisyon sa Korte Suprema para atasan si Budget Sec. Diokno na ilabas na ang 4th tranche ng dagdag na sweldo ng mga Government employees

Hiniling ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr, sa Korte Suprema na atasan si Budget Secretary Benjamin Diokno na ipalabas na ang fourth tranche ng dagdag na suweldo ng mga empleyado ng gobyerno.

Ito ay sa pamamagitan ng Petition for Mandamus na personal na inihain ni Andaya sa Supreme Court.

Kabilang sa petitioners ang mga grupo ng mga government employees.

Ayon kay Andaya, hindi totoo ang pahayag ni Diokno na labag sa Saligang Batas ang gagawing pagpapalabas ng ikaapat na tranche ng Salary Standardization Law dahil sa hindi pa inaaprubahan ng Kongreso ang 2019 National budget.

Paliwanag ni Andaya mayroong reenacted budget ang bansa na pinapayagan sa ilalim ng Konstitusyon.

Partikular na tinukoy ni Andaya ang Miscellaneous Personnel Benefit Funds noong 2018 na 100 bilyong piso na pwedeng pagkunan ng salary increase.

Sobra-sobra anya ang nasabing pondo para pagkunan ng dagdag sahod na dapat ipalabas sa Enero 15.

Tinawag pa ni Andaya na capricho lang ni Diokno ang pagpigil nito sa pagpapalabas ng salary increase.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *