House of Representatives, binigyan ang PCG ng karagdagang budget para mas mabantayan ang West Philippine Sea
Binigyan ng Kamara ang Philippine Coast Guard ng karagdagang ₱6.7 billion budget para sa taong 2018 para mapahusay ang kakayahan nito na protektahan ang West Philippine Sea.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang National government ay naglaan ng pondo sa PCG para sa mga bagong patrol boat, helicopter at iba pang mga armas.
Makakakuha ang PCG ng apat na 24-meter fast boats na for delivery pagkalipas ng 12 buwan, isang 82-meter boat na ide-deliver sa 2019 at dalawang 94-meter high -endurance boats na ide-deliver sa 2020 at 2021.
Ipinahayag din ng Mindanao lawmaker na ang PCG ay gagatos ng P922 million para sa mga armas, P686 million para sa helicopter maging sa deployment sa abroad at P682 million para sa mas maliliit na sasakyang pang dagat.
Sa P6.7 billion na gastusin, P3.1 billion ang magmumula mismo sa pondo ng PCG at ang P3.6 billion ay magmumula sa Department of Transportation.
Ulat ni: Bea Miranda