House Speaker Martin Romualdez , nakipagpulong sa mga Local iconic jeepney manufacturer
Nagpahayag ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa mga local manufacturer ng modern jeepney.
Ito’y matapos makipagpulong si Speaker Romualdez kina Ginoong Elmer Francisco ng Francisco Motors corporation at Ginoong Ed Sarao ng Sarao Motors corporation na kilalang manufacturer ng iconic jeepney sa bansa.
Sinabi ni Romualdez na kasalukuyang nirerepaso ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Congressman Romeo Acop ang Implementing guidelines ng Public Utility Vehicle Modernization program.
Ayon kay Romualdez kung mas mura at dekalidad at pasado sa standard ang locally manufactured na modern jeepney ay susuportahan ng Kamara ang paggamit nito kaugnay ng Public Utility Vehicle modernization program ng gobyerno.
Inihayag naman ni Ginoong Elmer Francisco ng Francisco Motors Corporation na mas mura ang kanilang modern electric jeep dahil nagkakahalaga lamang ito ng Php 985,000 kada unit kumpara sa gawang China na umaabot sa Php 2-M.
Iginiit ni Francisco na ang locally made na jeep ay pinanatili ang iconic feature ng tradisyunal na jeepney hindi katulad ng imported na hitsura ng mini bus.
Sinabi naman ni Ginoong Ed Sarao ng Sarao motors corporation na kailangang tulungan ng gobyerno ang mga local manufacturer ng modern jeepney dahil makakatulong ito sa ekonomiya ng bansa at makakalikha ng dagdag ng trabaho sa mga Pilipino.
Batay sa record ng Department of Transportation o DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB mayroong 32 modelo ng mga modern jeepney na gawang local at imported ang mapagpipilian ng mga kooperatiba kaugnay ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle modernization program.
Vic Somintac