House speaker Martin Romualdez , pinuri at pinasalamatan ang mga kapuwa Kongresista sa mabilis na pag-apruba sa 2023 GAB
Pinapurihan at pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kapuwa kongresista dahil sa pakikipagkaisa kaya mabilis na napagtibay ang House Bill 448 o 2023 General Appropriations Bill bago ang nakatakdang recess ng kongreso sa October 1 hanggang November 6 ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni Romualdez na malaki ang papel na ginampanan ng Majority Group ganun din ang Minority Group sa Kamara dahil sa kanilang constructive inputs sa bawat probisyon ng pambansang pondo na gagamitin ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan kasama ang attached agencies ganundin ang constitutional bodies.
Ayon kay Romualdez nakatulong ng malaki ang ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na senirtipikahan na urgent ang General Appropriations Bill kaya pagkatapos ng termination ng second reading kung saan isinagawa ang period of sponsorship at interpellations ay naisalang agad ito sa third and final reading na pinaboran ng 289 na kongresista at 3 lamang ang tumutol.
Inihayag ni Romualdez ang 2023 National Budget ay kinapapalooban ng mga programa ng pamahalaan para agad na makabangon ang bansa mula sa pagkakalugmok ng ekonomiya dulot ng pandemya ng COVID 19.
Nilwanag ni Romualdez na umabot sa anim na linggo ang ginugol ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagtalakay at paghimay sa panukalang pambansang pondo.
Vic Somintac