House Spkr Romualdez, hinamon si ex-PRRD na maglabas ng ebidensiya sa mga paratang kay PBBM
“ Huwag puro salita “ ito ang hamon ni House Speaker Martin Romualdez kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at maglabas ng ebidensiya para patunayan ang kaniyang mga alegasyon laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Romualdez, na bago maghamon na bumaba na sa puwesto si Pangulong Marcos Jr., ay nananawagan siya sa mga Duterte na maglabas ng ebidensiya o kung hindi ay maituturing lamang aniya itong budol-budol stories.
Ginawa ni Romualdez ang hamon matapos hamunin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Marcos Jr. na mag-resign na sa puwesto.
Pinaratangan pa ni dating Pangulong Duterte si PBBM na nasa narcolist ng PDEA na mariin naming itinanggi ng ahensiya.
Mensahe ng House Speaker sa mga Duterte, igalang ang presidente at tigilan na ang mga budol-budol stories sa Davao na malinaw aniya na gawa-gawa lang.
Depensa pa ng pinsan ng Pangulo, maaga ang panawagan na pabagsakin ang Marcos Jr. Administration dahil unfair aniya sa taumbayan ngayon ang ginagawa ng mga Duterte dahil nakababangon na ang bansa sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Paalala ni Romualdez kay Duterte, mag-ingat sa mga paratang dahil maraming reklamo sa kaniyang administrasyon hindi lamang umano sa katiwalian kundi sa diumano ay paglabag sa mga karapatang pantao dahil sa kaniyang war on drugs.
Vic Somintac