Housing project ng NHA para sa informal settlers sa NCR minamadali na
Personal na ininspeksiyon ni National Housing Authority o NHA General Manager Joeben Tai ang mga ipinatatayong pabahay ng pamahalaan sa Caloocan City.
Unang pinuntahan ni Tai ang housing project ng NHA sa Deparo Residences na mayroong 1560 units, sumunod ang Bagumbong Residences na may 480 units at Bagong Silang Housing Project na may 300 units.
Sinabi ni Tai na ang kasalukuyang housing project ng NHA ay nasa ilalim ng Resettlement Assistance Program for Local Government Units.
Ayon kay Tai ang pinaigting na housing project ng pamahalaan ay bilang pagtugon sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Pambansang Pabahay para Pilipino Program kung saan 6 na milyong bahay ang itatayo sa loob ng 6 na taon o 1 milyong housing units kada taon.
Vic Somintac