HPG at MTPB nagsagawa ng joint operation sa Maynila

Nagsagawa ng joint operation ang PNP Highway Patrol Group (HPG) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa Quezon Boulevard sa bahagi ng Quiapo sa Maynila.

Ilan sa mga nasita ay mga pampasaherong sasakyan na nakitaan ng paglabag sa health protocols bilang pag-iingat sa Covid 19.

Ang ibang jeep at UV express na van kasi punong puno at wala ng physical distancing sa loob ng sasakyan.

May isang jeep naman ang nasita matapos makita na ang plastic barrier nito ay sira sira na.

Dapat kasi ang barrier sa mga pampublikong sasakyan ay malaki at mahaba para sigurado na kahit paano ay may proteksyon ang mga magkakatabing pasahero.

May isang driver ng jeepney naman ang naimpound ang sasakyan dahil bukod sa paglabag sa health protocol ang driver wala palang lisensya.

May isang pribadong sasakyan naman na galing sa Cavite.

Pero dahil wala itong maipakitang ID na katunayang isa siyang APOR o Authorized Person Outside Residence tinikitan ang driver nito na nagtangka pang suhulan ang sumitang HPG.

Isa rin sa tinitingnan ng mga Pulis at MTPB ay kung may suot na face mask at shield ang mga pasahero.

Ang operasyon ay ginawa matapos mapuna na sa kabila ng umiiral na ECQ sa NCR ay marami parin ang lumalabas ng bahay.

Madz Moratillo

Please follow and like us: