HPV Vaccination inilunsad sa Angeles City
Pinangunahan ng pangulo ng Gender Development Office, Mina Cabiles at ng mga miyembro ng Health Office sa siyudad ng Angeles, ang isinagawang Human Papillomaviruses Vaccines (HPV) immunization sa kababaihang Angeleños na siyam hanggang labing-apat na taong gulang.
Ang HPV ay isang pangkat mula sa higit na 200 magkakaugnay na mga virus, na maaaring maging sanhi ng mga sakit at iilang mga uri ng cancer gaya ng cervical, anal, oropharyngeal, penile, at vulvar.
Ayon kay City Health Officer, Dr. Verona Guevarra, ang HPV Vaccination ay napakalaking tulong upang maprotektahan ang mga kababaihan laban sa Human Papillomaviruses, at ito ay regular na inirerekomenda sa edad na labing-isa o labing-apat na taon at maari ring masimulan nang maaga sa edad na siyam na taon.
Samantala, tiniyak ni Cabiles, na sa kabila ng hamong dulot ng COVID-19 pandemic ay hindi matitigil ang paglulunaad nila ng mga mga programang titiyak sa kalusugan at kapakanan ng mga Angeleño.
Ulat ni Kiirch Fernandez