HUCs sa Luzon, napanatili ang downtrend sa mga kaso ng Covid-19- OCTA
Tuluy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa highly urbanized cities sa Luzon.
Ito ang naging pagtaya ng OCTA Research Group.
Maliban sa pagbaba ng mga kaso, bumaba na rin ang growth rates at reproduction number ng mga kaso partikular sa mga lungsod ng Angeles, Dagupan, Lucena at Olongapo na nasa low risk na ng Covid-19.
Sa twitter post ni Dr. Guido David, OCTA fellow, naitala na sa moderate risk ang mga lungsod ng Baguio at Puerto Princesa habang nanatili sa moderate risk ng Covid-19 ang Naga at Santiago.
Gayunman, sa datos ng independent monitoring group, nananatiling mataas ang average daily attack rate (ADAR) ng Baguio city na nasa 21.17 at mataas na positivity rate na 18%.
Habang nasa very high positivity rate naman na 28% ang Naga at 49% ang Puerto Princesa ganundin ang Santiago na nasa 12%.