Hulyo, Buwan ng Nutrisyon
Mga kapitbahay, hello!
Pag-usapan natin ang importance ng kanin.
Sabi ng iba, kahit hindi na kumain ng kanin, okay na.
Pero teka, ano ba ang masasabi ng isang Food Scientist ng PhilRice ukol dito?
Ang banggit ng ni Dr. Marissa Romero, Food Scientist, na tayong mga Pinoy, rice is our staple food.
Hindi nakapagtataka na marami ang nagsasabi na hindi kumpleto ang kanilang araw kapag hindi nakakain ng kanin.
Eh paano naman, ang kanin ay good source ng carbohydrates na nagbibigay ng energy sa ating katawan.
Ang nakasanayan nating kainin ay ‘yung polished rice, mas maputi, mas okay hindi ba?
Kaya lang kapag napakain ka ng maraming puting kanin, mas mabilis magconvert sa sugar.
Kaya, kung ayaw mong tumaba o ikaw ay may problema sa blood sugar o may diabetes, iwasan mo ang white rice .
Kaya nga, hinihikayat tayong mas piliin ang healthier rice gaya ng brown rice dahil may bran pa na nagtataglay ng vitamins, minerals, and fiber.
Ang masasabing disadvantage nga lang ng brown rice, mas maikli ang shelf life nito, bagaman may mga paraan na rin para mapahaba ang shelf life ng brown rice.
Meron na nga rin ngayon brown rice machines, na pang household at sa pang komunidad.
Dagdag pa ni Dr. Romero, para sa kaalaman ng lahat, kahit na anong variety ng palay kapag tinanggalan ng ipa, brown rice na ang tawag dito.
Ang red o black rice naman ay ang tinatawag na pigmented rice o colored rice, na masustansiya rin.
May common notion sa brown rice at ito ay matigas kapag kinain kaya ayaw ng iba .
Ito aniya ay dahil sa nahihirapan na makapasok ang tubig, kaya mas matagal na lutuin.
Kaya mas mabuting pumili tayo ng mas malambot na variety.
Mas mainam na ibabad na muna bago isaing kahit 30 minutes.
Samantala, sa malagkit naman, meron din itong iba-ibang variety na ang iba ay may kulay din.
Mas maganda sa bigas kung mas maitim, mas may pigment, mas okay dahil taglay ang antioxidants.
Problema ng iba ay gusto sana nila ng brown rice o iba pang variety ng bigas kaya lang ay walang mabili.
Totoo naman, sa supermarket mas maraming choices kaysa sa mga palengke, unless nasa bahagi ka ng Cordillera o sa Baguio kaya .
Samantala, nilinaw ni Dr. Romero na ang isang Food Scientist ay hindi nagluluto kundi sila ang nag-aaral sa chemical composition ng pagkain, o sa microbiology and engineering ng pagkain .
Samakatuwid, pag-aaral sa iba-ibang scientific discipline ng pagkain.
Salamat po Dr. Marissa Romero ng PhilRice.
Mga kapitbahay, ilang dagdag kaalaman na sana ay makatulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay.