Human error, malaking porsyento sa mga nangyayaring aksidente sa kalsada – LTO
Malaking porsyento o kontribusyon sa mga aksidente sa kalye ay ang human error.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) – Licensing office chief Joselito Luarca, isa sa mga human error ay hindi muna chine-check mabuti ang sasakyan bago gamitin o magbiyahe.
Reaksyon din ito ng LTO official sa naging paninisi sa lto sa maluwag na pag-iisyu ng lisensya kaya dumarami ang mga road accidents.
Aniya bago makakuha ng lisensya ang isang driver ay itinuturo ang mga paalala sa safety driving at naka-indicate rin ang mga road signs.
Mungkahi ni Luarca, dapat magkaroon ng tuluy-tuloy na pag-aaral tungkol sa safety driving ang mga nagmamaneho upang hindi nila ito malimutan at maiwasan ang aksidente sa kalsada.
“Sa pagsusulit sa pagkuha ng lisensya, alam naman natin na andyan yung ating written at actual examination. Pero sa kanila ng kanilang pagre-review at nakakapasa naman pero ang nakikita namin matapos silang makapasa ayan na…Wala kasi tayong continuous na pagre-review sa mga traffic rules at regulations at safety driving bago sumampa sa lansangan” – Joselito Luarca, LTO Licensing office Chief – Las Piñas city
=================