Human Rights Watch tinawag ng Malakanyang na iresponsable sa pag-akusa kay Pang. Duterte sa isyu ng extra judicial killings
Binuweltahan ng Malakanyang ang grupong Human Rights Watch na nag-aakusa kay Pangulong Duterte na responsable sa extra judicial killings sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang basehan at iresponsable ang Human Rights Watch at ang kanilang report na pinamagatang License to Kill.
Ayon kay Abella ang anti drug war ni Pangulong Duterte ay hindi labag sa batas ng Pilipinas.
Kinuwestiyon din ni Abella ang pahayag ng Human Rights Watch na nagkakaroon ng human rights calamity sa bansa dahil sa dami ng napapatay na drug personalities.
Iginiit ni Abella na hindi kinukonsinte ng gobyerno ang extra judicial killings na kagagawan ng mga tiwaling kagawad ng pambansang pulisya.
Ulat ni: Vic Somintac