Hunyo a-15 idineklarang holiday sa buong Pampanga bilang paggunita sa ika-26 na taong pagsabog ng Mt. Pinatubo
Idineklara ni Pampanga Governor Lilia Pineda ang suspensiyon ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong Pampanga sa ilalim ng Executive Order No. 09-2017 bukas, ika-15 ng Hunyo 2017 bilang paggunita sa ika-26 na anibersaryo ng pagsabog ng pinatubo.
Sinuspinde rin ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa Pampanga.
Kinikilalang isa sa pinaka malubhang kalamidad na tumama sa probinsya ng Pampanga at Zambales ang pagputok ng Bulkang Pinatubo.
Ipinag-utos ni Governor Pineda na magtalaga ng skeletal forces sa mga government hospital upang hindi mapinsala at magpatuloy ang pagbibigay ng mga serbisyong medical.
Samantala, idineklara rin ng Malacanang sa pamamagitan ng Proclamation No. 233 na ang ika-15 ng Hunyo bilang special non-working day sa buong siyudad ng Angeles.
Ulat ni : Joel dela Peña