Hurricane Ernesto humihina, ngunit mapanganib pa rin habang papalapit sa Bermuda
Humihina na ang Hurricane Ernesto habang papalapit sa Bermuda ngayong Sabado, bagama’t ibinaba na sa Category 1 storm ngunit nagbabanta pa rin sa British island territory taglay ang malakas na hangin, isang delikadong storm surge at potential na mapaminsalang pagbaha.
Ayon sa U.S. National Hurrican Center (NHC), “The storm was slowly making its way toward the Atlantic archipelago, its center due to pass near or over Bermuda on Saturday morning, with the worst of the storm surge and flash flood potential expected later in the day.”
Hanggang alas onse kagabi, Atlantic Standard Time, ang mata ng bagyo ay 65 milya o 105 kilometro timugan, timugang-kanluran ng Bermuda.
Nagsimulang magbagsak ng mga pag-ulan sa island territory ang bagyo nitong Biyernes ng hapon, ang mabagal nitong paggalaw na kumikilos pa-hilaga, hilagang-silangan na 13 mph o 20 kph at lawak, ay nangangahulugan na ang Bermuda ay maaaring dumanas ng matagal na pag-ulan ngayong Sabado ng gabi.
Ayon pa sa NHC, “It produced maximum sustained winds of up to 90 mph (150 kph), putting it at the high end of Category 1 on the Saffir-Simpson hurricane scale, still packing very dangerous winds, that will produce some damage.”.
Noong Biyernes, ito ay inuri bilang isang Category 2 storm, na may lubhang mapanganib na hangin na maaaring magdulot ng matinding pinsala. Bagama’t ito ay maaaring patuloy na humina sa susunod na araw o higit pa, ito ay inaasahang lalakas muli sa ibabaw ng Gulf Stream.
Sinabi pa ng NHC, na ang babagsak na ulan sa Bermuda ay inaasahang hanggang 9 na pulgada (225 mm).
Sa isang press conference nitong Biyernes ay ipinahayag ni Michael Weeks, national security minister ng Bermuda, “Folks, be under no illusion. This storm is the real deal. Emergency responders would be posted at strategic areas in Bermuda.”
Ang Bermuda ay binubuo ng 181 maliliit na mga isla na magkakasama, na mahigit sa 600 milya (970 km) ang lawak sa baybayin ng South Carolina.
Ayon sa power utility na BELCO, “By Friday afternoon, Ernesto’s winds had knocked out power for 5,400 of Bermuda’s 36,000 customers. We called our repair crews back from the field because it was too dangerous to work.”
Sabi pa ng hurricane center, “Swells generated by Ernesto were already affecting parts of Bermuda, the Bahamas, and the east coast of the United States.”
Ayon sa tanggapan ng alkalde ng New York, ang mga parke ng lungsod at ang National Park Service ay nag-anunsyo na ang lahat ng mga beach sa mga borough ng Brooklyn at Queens ay isasara sa swimmers ngayong Sabado at bukas, Linggo kung saan sa prediksiyon ng National Weather Service ay maaaring magkaroon ng mga mapanganib na agos at pag-alon ng hanggang 6 na talampakan o dalawang metro.