Hurricane Ida, naglandfall na sa southwest Cuba
HAVANA, Cuba (AFP) – Naglandfall na bilang isang Category 1 hurricane ang Hurricane Ida, sa southwestern coast ng Cuba.
Ayon sa Insmet, meteorology institute ng Cuba, si Ida ay tumama sa bayan ng La Coloma, sa lalawigan ng Pinar del Rio, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro bawat oras.
Inaasahan namang papasok ito sa Estados Unidos sa Linggo bilang isang “extremely dangerous” Category 4 storm, ayon sa US National Hurricane Center.
Agence France-Presse
Please follow and like us: