Hurricane Lidia naglandfall sa Mexico bilang isang ‘lubhang mapanganib’ na category 4 storm
Naglandfall na sa Pacific coast ng Mexico ang Hurricane Lidia bilang isang “lubhang mapanganib” na Category 4 storm, na may banta ng mga pagbaha at mudslides.
Una nang sinabi ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador, na naka-alerto na ang civil protection personnel at humigit-kumulang 6,000 miyembro ng armed forces ang idineploy upang tulungan ang mga residente.
Ayon sa US National Hurricane Center (NHC), “Lidia came ashore near the popular beach resort of Puerto Vallarta, packing maximum sustained winds of around 140 miles (220 kilometers) per hour. Life-threatening winds and flooding rainfall spreading inland over west-central Mexico.”
Si Lidia ay mabilis na lumakas patungo sa second-highest category sa five-step Saffir-Simpson scale bago naglandfall ayon sa NHC.
Sa Puerto Vallarta na isang pangunahing destinayon para sa Mexican at foreign tourists, ay hinarangan ng mga may-ari ng tindahan ang kanilang mga bintana at nagsalansan ng sandbags sakaling bumaha.
Sinuspinde na rin ang mga klase sa ilang mga lugar at ang mga residente naman ay hinimok na huwag lumabas ng bahay.
Si Lidia ay inaasahang magbabagsak ng ulan ng hanggang sa 12 pulgada o 30 sentimetro sa mga estado ng Nayarit, Sinaloa at Jalisco.
Babala ng NHC, “These rains will likely produce flash and urban flooding, along with possible mudslides in areas of higher terrain near the coast.”
Dagdag pa nito, “A dangerous storm surge is expected to produce significant coastal flooding near and to the south of where the center makes landfall. Near the coast, the surge will be accompanied by large and dangerous waves.”
Ang Mexico ay tinatamaan ng hurricanes kada taon kapwa sa baybayin nito sa Pasipiko at Atlantiko, na karaniwan ay sa pagitan ng Mayo at Nobyembre.
Sinabi ng mga awtoridad, na nitong linggo lamang na ito, ang Tropical Storm Max ay nag-iwan ng dalawa kataong patay at dose-dosenang mga bahay naman ang binaha sa southern state ng Guerrero, na isa sa pinakamahirap na rehiyon sa bansa.
Si Max ay tumama sa kalupaan noong Lunes, na nagresulta sa pag-apaw ng isang ilog.
Ayon kay civil protection official Roberto Arroyo, isa ang namatay habang tinatangkang iligtas ang mga alaga niyang manok, at isa rin ang namatay sa isang aksidente sa kalsada habang nananalasa ang bagyo.