Hypersonic missile, ipinakita na ng Iran
Ipinakita na ng Revolutionary Guards ng Iran ang isang intermediate range ballistic missile, na may kakayahang maglakbay sa hypersonic speeds ng hanggang 15 ulit ng bilis ng tunog.
Pinuri ni President Ebrahim Raisi ang hypersonic capability ng bagong missile, sa pagsasabing palalakasin nito ang “power of deterrence” ng Iran at “magdadala ng kapayapaan at katatagan sa mga bansa sa rehiton.”
inilathala ng official IRNA news agency ang mga larawan ng seremonya sa isang closed area na hindi nito binanggit. Ilang matataas na military commanders ang naroon, kabilang ang Guards chief na si General Hossein Salami.
Ayon sa IRNA, “The range of the Fattah missile is 1,400 kilometres (870 miles) and its speed before hitting its target is between 13 and 15 times the speed of sound.”
Tulad ng mas mabagal na ballistic missiles, ang hypersonic missiles ay maaaring lagyan ng mga nuclear warhead at ang anunsyo ng Iran na ito ay gumagawa ng isa noong Nobyembre, ay nag-udyok sa pinuno ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na si Rafael Grossi na magpahayag ng pagkabahala.
Ngunit sinabi ni Grossi, “I did not see the new missile ‘having any influence’ on negotiations with Iran over its nuclear activities.”
Sa kasalukuyan ay nahinto na ang mga pag-uusap sa pagitan ng Tehran at major powers tungkol sa muling pagbuhay sa isang nuclear deal noong 2015, na nagkaroon ng pilat nang abandonahin ito ng Washington noong 2018 at magpataw ng mga panibagong sanctions.
Simula noon ay sinuspinde na ng Iran ang pagpapatupad ng mga sinang-ayunang mahigpit na limitasyon sa kanilang nuclear activities at hinigpitan ang IAEA monitoring sa isang patakarang dahan-dahan nitong binabago.
Hindi tulad ng concentional ballistic missiles, ang mga hypersonic ay lumilipad sa isang trajectory na mababa sa atmospera, na nagbibigay-daan sa kanila na maabot ang kanilang mga target nang mas mabilis at may mas kaunting pagkakataong ma-intercept ng mga modernong air defense.
Nang i-anunsiyo ang programa noong nakaraang taon, sinabi ng Guards aerospace chief General na si Amirali Hajizadeh, na ang sistema ay binuo upang “kontrahin ang air defence shields,” at idinagdag na naniniwala siyang aabutin ng ilang dekada bago mabuo ang isang sistemang may kakayahang humarang dito.
Ang mahigpit na katunggali ng Iran na Israel, na malawak na pinaniniwalaang may sariling hindi deklaradong nuclear arsenal, ay maraming air defence shields para pigilan ang subsonic at supersonic missiles.
Ang ginawang pagsubok ng North Korea sa isang hypersonic missile noong nakaraang taon ay nagdulot ng mga alalahanin tungkol sa pag-uunahang makuha ang teknolohiya, na ang Russia ang kasalukuyang nangunguna, na sinundan ng China at Estados Unidos.
Simula noong Marso ng nakalipas na taon, ang Kinzhal hypersonic missile ng Russia, ay maraming ulit nang ginamit sa kanilang giyera laban sa Ukraine.