Hypertension Awareness month, ginugunita…25 milyong Filipino, Hypertensive- Philippine Heart Association

 

Sobrang pagkonsumo ng maaalat na pagkain, paninigarilyo at pag-inom ng alak,  kakulangan sa Calcium, Magnesium at Potassium, pagiging overweight at kakulangan sa exercise, at namamana sa pamilya o hereditary…. kabilang ang mga ito sa itinuturing na sanhi ng Hypertension.

Kaugnay nito, ginugunita ng Department of Health o DOH ang Mayo  bilang Hypertension awareness month.

Batay sa datos ng Philippine Heart Association o PHA, mayroong 25 milyong mga Filipino ang diagnosed na Hypertensive.

Samantala, maaari namang umabot sa 35 milyon ang bilang ng mga Filipino na maituturing na Hypertensive o high blood, kapag sinunod ang bagong guidelines mula sa American Heart Association at American College of Cardiology.

Ito ay dahil sa kanilang basehan, na —ang normal na blood pressure ay 120/80 at pababa…magsisimula naman sa 130/80 ang stage one ng hypertension.

Pahayag naman ni Health Secretary Francisco Duque III,  malawakang pag uusap ang kanilang gagawin kung susundin o hindi ang naturang guidelines mula sa American Heart Association at American college of Cardiology.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *