Hypertension at Cardiovascular diseases, kabilang pa rin sa sampung sakit sa Pilipinas na sanhi ng kamatayan ng maraming Pilipino – DOH
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng National Heart Month sa buong bansa ngayong Pebrero batay sa Presidential Proclamation No. 1906 noong 1973, muling binigyang diin ng Department of Health na lubos na pangalagaan ang puso.
Kinikilala ng naturang proklamasyon na “The Heart is the set of Life”.
Batay sa tala ng DOH, nangunguna pa rin ang Hypertension at Cardiovascular diseases sa sampung sakit na nakamamatay sa Pilipinas.
Ang sakit sa puso ay isang malaking suliranin sa kalusugan ng maraming Pilipino.
Kabilang sa sanhi ng naturang mga sakit ang lagi nakaupo, hindi aktibo ang katawan, at unhealthy ang life style.
Kaya patuloy na hinihikayat ng mga eksperto ang mga Pilipino na regular mag-ehersisyo, magkaroon ng heart-friendly diet, magkaroon ng sapat na pahinga at relaxation, regular na check up sa dugo, at iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak.
Samantala, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ang kampanya na tinawag na “May Measurement Month 2017” kaugnay ito ng World Hypertension Day na ginugunita tuwing Mayo.
Target ng mga organizer na pagsapit ng Mayo ay makapag screen sila ng 25 milyong indibidwal sa buong mundo na hindi pa nakapag pa check ng kanilang blood pressure simula Abril ng 2016.
Ulat ni : Anabelle Surara