IAEA sinabing ‘minor’ lang ang Fukushima leak incident noong isang buwan
Sinabi ng International Atomic Energy Agency (IAEA) head na si Rafael Grossi, na ang pag-leak ng Fukushima nuclear plant noong isang buwan ay isa lamang “minor incident,” at walang kinalaman sa pagpapakawala ng wastewater.
Ang leak ay iniulat ng plant operator naTEPCO sa mga unang bahagi ng Pebrero, at ito ay sa bahagi ng planta na nagpo-proseso sa radioactive water.
Ayon sa TEPCO, walang na-detect na senyales ng kontaminasyon sa labas ng plantang dumanas ng meltdown noong 2011.
Sa tatlong araw niyang pagbisita sa Japan, kasama na ang pagpunta sa Fukushima, ay inilarawan ni Grossi ang insidente bilang isang “splash from one side of the facility. It concerns a small amount of water, initially estimated at five cubic metres (5,000 litres), then revised to 1.5 cubic metres of water.”
Aniya, “It was a minor incident of the kind that can take place on a big industrial site, there were no consequences. The event has nothing to do with the process of the discharge of water from the plant,” na ang tinutukoy ay ang unti-unting pagpapakawala sa treated at diluted wastewater na singdami ng 540 Olympic swimming pools, na nagsimula noong Agosto.
Ayon kay Grossi, “This was an incident in another place, a different part of the facility.”
Ang pagpapakawala sa tubig ay inendorso ng IAEA, at sinabi ng TEPCO na lahat ng radioactive elements ay dumaraan sa filtration process maliban sa tritium, na nasa safe limits naman ang levels.
Sa talakayan sa mga opisyal at mga estudyante sa Fukushima region ay sinabi ni Grossi, “Compared to last year, when discharges of water began, I saw a big change for the better. Last year, there was concern, uncertainty, there was doubt about whether the process would have consequences negative for the environment.”
Aniya, “This year (there) were expressions of satisfaction” that “the treated water has been discharged without any traceable presence of, or very, very low presence of tritium.”
Ang Fukushima plant ay winasak ng napakalaking lindol at tsunami noong 2011 na ikinamatay ng 18,000 katao.
Isa ito sa pinakagrabeng nuclear disasters sa kasaysayan at ang clean-up operation ay inaasahang aabutin ng kung ilang dekada, na ang pinakadelikadong parte ay ang pag-aalis sa radioactive fuel at rubble mula sa tatlong reactors, na hindi pa nagsisimula.