IATF at DOT, hinimok na magpakalat ng mga marshall sa mga Hotel at mga Quarantine facility ng Gobyerno
Inirekomenda ni Senador Nancy Binay sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) at Department of Tourism (DOT) na magpakalat ng mga marshalls sa mga hotels at mga Quarantine facilities ng Gobyerno.
Sa harap ito ng lapses sa ilang Tourism estsablishment gaya ng City Garden Grand hotel kung saan namatay ang flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay Binay, may mga hindi nasunod na protocol at malinaw na nagkaroon ng pagkukulang ang nasabing hotel dahil hindi namonitor ang dami ng mga bisitang kasama ni Dacera na mahigpit aniyang ipinagbabawal dahil sa umiiral na Quarantine restrictions.
Ayon sa Senador, maaari namang kunin ang serbisyo ng mga Barangay watchmen kasama ang mga Health officer para tutukan ang mga establishment kung nagkakasunod sa mga ipinatutupad na protocol.
Iginiit ng Senador na hindi lang naman bilang ng Customers ang maaaring i-check ng mga marshalls kundi tingnan kung may ipinatupad pa bang hygiene at sanitation protocol hindi lang sa mga Quarantine facilities gaya ng hotel kundi sa mga restaurants, malls at iba pang Business establishment.
Meanne Corvera