IATF, buo na ang rekomendasyon kay PRRD na isailalim sa MGCQ ang buong bansa sa Marso kasama ang Metro Manila
Isusumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nabuong rekomendasyon na isailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa kasama ang Metro Manila sa pagpasok ng buwan ng Marso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tatalakayin sa pulong ng gabinete sa Lunes ang rekomendasyon ng IATF na ilagay na sa MGCQ ang buong bansa.
Ayon kay Roque 9 sa 17 Metro Manila Mayors ay sumang-ayon na ilagay na sa MGCQ ang National Capital Region o NCR.
Inihayag ni Roque si Pangulong Duterte pa rin ang may pinal na desisyon sa pagbabago ng Quarantine classification sa bansa sa panahon ng Pandemya ng COVID-19.
Kaugnay nito sinabi ni Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ramon Lopez na ipinaliwanag ng economic team ang dahilan kung bakit kailangan ng ilagay sa MGCQ ang buong bansa kasama ang Metro Manila para tuluyan ng makabangon ang ekonomiya.
Ayon kay Lopez binalanse ng economic team at health team ng pamahalaan ang pros and cons ng pagluluwag sa Qurantine Protocol sa bansa.
Inihayag ni Lopez sa mga lugar na nauna ng nasa ilalim n MGCQ ay hindi naman nagkaroon ng paglobo ng kaso ng COVID 19 basta mahigpit lamang na sundin ang standard health protocol.
Vic Somintac