IATF magpapatupad ng new normal sa mga lugar na wala ng naitatalang kaso ng COVID-19 – Malacañang
Binubuo na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF ang mga Do’s & Dont’s sa mga lugar na posibleng ideklara na sakop ng new normal.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang paglalagay sa new normal sa mga lugar na wala ng naitatalang kaso ng COVID 19 ay pinag-uusapan na sa pulong ng IATF.
Sinabi ni Roque na siya mismo ang nagmungkahi sa IATF na dapat ng ilagay sa new normal ang mga lugar na wala ng kaso ng COVID 19.
Inihayag ni Roque ang new normal ay wala ng iiral na anumang community quarantine basta sundin lamang ang standard health protocol na mask, hugas, iwas.
Niliwanag ni Roque kailangan ang guidelines o patakaran kung anu-ano ang mga do’s and dont’s’ sa new normal areas para hindi tuluyang magpakampante ang ating mga kababayan lalo pa’t nananatili parin ang banta ng COVID 19.
Vic Somintac