Revised border control protocols para sa mga Pilipinong mula sa red at non-red list countries, inilabas ng IATF dahil sa banta ng Omicron variant
Ibinalik ng Inter Agency Task Force o IATF ang mahigpit na patakaran para sa mga pilipinong galing sa red list at non red list countries na papasok sa Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles ang muling paghihigpit sa border entry protocol ay may kinalaman sa kumakalat na Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Nograles sa pamamagitan ng mahigpit na border control ay mababawasan ang posibilidad na makapasok sa bansa ang Omicron variant ng coronavirus.
Inihayag ni Nograles kung sakaling makapasok sa bansa ang Omicron variant ng COVID-19 ay agad na makokontrol dahil sa mahigpit na monitoring mechanism na inilatag ng IATF.
Humingi ng paumanhin ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga returning pilipinos at kamag-anak dahil sa mahigpit na border control protocol sapagkat nais lamang ng pamahalaan na maagapan ang banta ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.
Vic Somintac