IATF , pinag-aaralang mabuti kung ibaba na sa alert level 2 ang NCR sa Pebrero – Malakanyang
Isinasailalim sa masusing pag-aaral ng Inter Agency Task Force o IATF kung maaari ng ibaba sa alert level 2 ang National Capital Region o NCR mula sa alert level 3 sa pagpasok ng buwan ng Pebrero.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles araw-araw ay nagsasagawa ng assessment ang IATF sa kaso ng COVID-19 sa NCR.
Ayon kay Nograles, nakabatay sa siyensiya ang ginagawang pagpapasiya ng IATF gamit ang tatlong criteria sa alert level adjustment sa isang lugar na kinabibilangan ito ng 2 weeks positivity rate, average daily attack rate ng COVID-19 at hospital bed utilization.
Inihayag ni Nograles sa report ng Department of Health o DOH bagamat nakitaan na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa NCR subalit hindi ito sapat na batayan para ibaba na ang alert level dahil maaaring marami pa ang kaso na hindi nairereport sapagkat ang omicron variant ay nagiging mild ang tama nito kaya maraming hindi na nagpapa-ospital at sa bahay na lamang nagpapagaling.
Vic Somintac