IATF, umapila sa publiko na suportahan ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte kung aalisin o palalawigin pa ang Luzonwide ECQ
Nananawagan ang Inter Agency Task Force o IATF sa taongbayan na suportahan ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aalisin, palalawigin o imomodify ang ipinatutupad na Luzonwide Enhance Community Quarantine o ECQ.
Sinabi ni IATF Spokesman Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na nasa kamay na ni Pangulong Duterte ang lahat ng rekomendasyon at opsiyon hinggil sa isyu ng ECQ na magtatapos sa Abril 30.
Inihayag ni Nograles na ang Pangulo parin ang may pinal na desisyon kung susundin ang rekomendasyon ng IATF.
Magugunitang kinunsulta ni Pangulong Duterte ang mga health at economic experts at isinantabi ang politika para makakuha ng ibat-ibang inputs at makapagdesisyon ng tama para sa kapakanan ng bansa at ng buong sambayanan.
Ngayong araw inaasahan na maglalabas ng desisyon ang Pangulo kung ano ang ipatutupad na patakaran ng gobyerno sa paglaban sa covid 19 pagkatapos ng Abril 30 o pagpapaso ng ipinatutupad na ECQ sa buong Luzon.
Ulat ni Vic Somintac