Iba ang kulturang Pinoy!

Mga kapitbahay, kumusta na po?

Hindi tayo nawawalan nang kakuwentuhan sa programa, from all walks of life, and from different parts of the world.
Bawat kuwentuhan ay may natututuhan tayo, ‘yun naman ang mahalaga.

Kelan lang ay nakausap natin ang magnanay na sina Mommy Cheche at Rhian Bernil Buck na taga London, England.

Sa pag-uusap namin ay naging kapuna-puna na si Mommy C ay talagang ang itinuturo niya sa kaniyang tatlong anak ay ang kulturang Pinoy.

Sa katunayan nang sumagot sa atin si Rhian ay may ‘po’ sa pagsasalita . .


Papaano naman sabi ni Mommy C, bata pa ang kaniyang mga anak ay ipinamulat na niya sa mga ito ang kulturang pinoy, ang ating lengguwahe, ang kultura natin.

Tatlo ang kaniyang anak, si ate na 24 years old, si kuya na 21 years old at si Rhian, Seven years old.

Ang tawag ni Mommy kay Rhian ay palangga, a visayan word na ang ibig sabihin ay mahal (dear, beloved, darling).

Sa bahay nila ang gamit nila ay bisaya at tagalog. Kapag lumalabas lamang sila nagsasalita ng English.

Photo by Mommy C and Rhian Bernil Buck

Hands-on si Mommy sa pagpapalaki sa kaniyang mga anak kaya talagang nasusubaybayan niya ang mga ito.

Lagi niyang ipinapayo at itinatagubilin sa kaniyang mga anak na laging maging mabait.

Maging mapagkumbaba anoman ang marating sa buhay.


Ang madalas na ulam nila sa bahay ay sinigang, tuyo na paborito ni Rhian, gulay, at bihirang mag-adobo.

Si Mommy Cheche nga pala ay taga Mindanao, sa Agusan del Sur at 2009 nang makarating sila sa England.
Meron nga palang sariling FB account at vlog sina Mommy C at Rhian, puntahan ninyo ang … Ang tisay nang Bayugan City, Mindanao.

Dito makikita ang kulitan ng magnanay at kung ano-ano pa.

Salamat sa pagpapaunlak ninyo sa sa amin, Mommy C and Rhian.

And until next time!

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *