Iba pang kaso ng Variant ng COVID-19 sa bansa,naragdagan rin – DOH
May 12 bagong kaso ng Delta variant ng COVID- 19 ang naitala dito sa bansa.
Ayon sa Department of Health, batay sa pinakahuling sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center, ang 12 na ito ay pawang local cases.
Ang 6 rito ay mula sa Region 3, 2 sa Calabarzon, 1 sa Region 5 at 3 naman sa National Capital Region.
Pero ayon sa DOH, ang lahat ng ito ay nakarekober na.
Bineberipika naman ng regional offices ng DOH ang kasalukuyang sitwasyon ng mga ito.
Dahil rito, umabot na sa 47 ang kabuuang bilang ng Delta variant case sa bansa.
Ang 8 rito ay aktibong kaso at kasalukuyang naka isolate maging ang mga nagkaron ng close contact sa kanila.
May 3 dinapuan ng Delta Variant naman ang nasawi.
Mahigpit naman ang bilin ng DOH sa mga lokal na pamahalaan na may kaso na ng Delta variant at mga lugar na biglang nagkaron ng pagtaas ng kaso ng COVID- 19 na paigtingin pa ang pagpapatupad ng health protocols at mga paraan para mapigilan pa ang pagklat ng virus.
Ang Delta variant na unang natukoy sa India ay mas mabilis makahawa.
Ayon sa mga eksperto, ang isang taong infected ng Delta variant ay maaaring makahawa ng 5 hanggang 8 katao.
Samantala, may 187 karagdagan pang kaso ng Alpha variant ang natukoy dito sa bansa.
Ang 179 rito ay local cases habang ang 8 naman ay bineberipika pa.
Ang 54 sa kanila ay nasawi habang nakarekober naman na ang 133.
Sa kabuuan, may 1,668 Alpha variant na ang naitala dito sa bansa.May 142 bagong Beta variant cases rin ang natukoy sa ginawang sequencing ng PGC.
Ang 134 dito ay local cases habang bineberipika pa ang 8.
Ang 21 sa kanila ay nasawi na habang ang 121 naman ay nakarekober na.
Sa kabuuan, may 1,827 beta variant na ang naitala sa bansa.
Mayroon ring karagdagang 12 P.3 o Philippine variant ang naitala sa bansa.
Ang 11 rito ay local cases habang bineberipika ang isa pa.Lahat sila ay nakarekober na.
Ayon sa DOH kahit wala na sa listahan ng variant of interest ang P3 ay patuloy parin nila itong minomonitor.
Madz Moratillo