Iba pang mga kumakandidato sa eleksyon sa Mayo hinikayat na magpadrug test na sa PDEA
Pinayuhan ng tambalan nina Senador Ping Lacson at Senate president Vicente Sotto III ang mga kapwa kumakandidato sa eleksyon sa Mayo na magpasuri sa PDEA.
Ito’y para matiyak na transparent at maiwasan ang duda sa resulta ng kanilang drug test.
Nauna nang kinuwestyon ng ilang kritiko ang resulta ng drug test ni President aspirant Bongbong Marcos na ginawa sa isang pribadong ospital habang sa isang diagnostic clinic din nagpadrug test ang kaniyang runningmate na si Mayor Sara Duterte.
Babala ng Senador na dating Chairman ng Dangerous drugs board , may mga private drug testing centers o CLINIC na naglalabas ng pekeng resulta .
Ito aniya ang dahilan kaya tyinanggal na rin ang drug test sa mga kumukuha ng drivers license.
Kung si Sotto ang masusunod nais niya na gawing mandatory ang pagpapadrug test ng mga kumakandidato kaya isinama ito sa Dangerous drug law pero ibinasura na ito noon ng korte suprema.
Meanne Corvera