Iba pang rehiyon sa bansa, ibinaba na sa moderate risk; Region 9, nag-iisang rehiyon na lamang na nasa high- risk ng Covid-19 infection
Ibinaba na ng Department of Health sa moderate risk classification ang Covid-19 situation sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Region 9 o Zamboanga Peninsula.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, sa ngayon ang Region 9 na lang ang natitirang nasa high risk classification.
Ang average daily attack rate aniya sa Region 9 ay tumaas sa 9.24 habang ang kanilang Covid 19 bed utilization rate ay nasa 70.29% pero bumaba naman ang kanilang ICU occupancy rate na nasa 54.02% at mechanical ventilators na nasa 61.11% ang okupado.
Pero ayon kay Vergeire, kahit nasa moderate risk na, binabantayan pa rin nila ang Cordillera Administrative Region at Region 2.
Ang Covid 19 bed utilization rate kasi sa CAR ay nasa 83.13% pa, habang ang ICU occupancy rate na nasa 85.34% at mechanical ventilators na nasa 83.13% ang okupado.
Habang sa Region 2 naman ay 75.34% ang Covid 19 bed utilization rate, habang ang ICU occupancy rate na nasa 87.21% at mechanical ventilators na nasa 73.50% ang okupado.
Ayon kay Vergeire, nananatili ring nasa moderate risk ang National Capital Region at nananatili ring mababa ang kanilang healthcare utilization rate.
Naniniwala si Vergeire na ito ay dahil sa mas mabilis ng detection at isolation ng mga Covid 19 cases ng mga LGU sa NCR.
Madz Moratillo