Ibang mga sakit na dapat ding pagtuunan ng sakit maliban sa Covid-19- PHA
Hindi lang Covid-19 ang dapat pagtuunan ng pansin dahil may iba pang sakit na kailangan ding bantayan.
Ayon kay Philippine Heart Association (PHA) Director at Advocacy Chair Dr. Luigi Pierre Segundo, ang Cardiovascular Disease (CVD) o sakit sa puso ay dapat ring bantayan at pagtuunan ng pansin kasabay ng nararanasang Pandemya.
Aniya, top killer illness ang CVD sa Pilipinas.
Batay sa kanilang pag-aaral, tumaas ang bilang ng mga Pinoy na dinapuan ng iba’t ibang uri ng CVD tulad ng Coronary heart disease, Peripheral arterial disease, Stroke, Deep vein thrombosis at Cerebrovascular disease nito lamang nakalipas na Hunyo at Hulyo.
Sinabi pa ni Segundo na ang mga taong may pre-existing conditions tulad ng mga nabanggit ay high risk for Covid-19.
Binigyang-diin pa ni Segundo na kung nakararanas ng pananakit ng dibdib,huwag itong balewalain, agad na ikunsulta ito sa manggagamot kahit sa pamamagitan ng tele consultation na ngayon ay karaniwan nang ginagawa ng mga duktor upang maiwasan na humantong sa malalang kundisyon.
Ulat ni Belle Surara