Iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan handa na sa pananalasa ng bagyong Ompong – Malakanyang

Tiniyak ng Malakanyang na handa na ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Northern Luzon at karatig na lugar.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na lahat ng preparasyon at abiso ay ginagawa na ng pamahalaan sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, Department of Social Welfare and Development o DSWD, Department of Health o DOH , Department of Public Works and Highways o DPWH at Department of Transportation o DOTr katulong ang mga lokal na pamahalaan.

Dahil dito umapela ang Malakanyang sa lahat ng mga residente maaapektuhan ng bagyong Ompong na sumunod sa mga abiso upang mabawasan ang pinsala sa buhay at ari-arian.

Ayon kay Roque mayroon ding sapat na pondong nakalaan na magagamit para ayudahan ang mga lugar at residente na tatamaan ng kalamidad.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *