Iba’t ibang Environmental Group,nagrally sa Maynila para iprotesta ang paglalagay ng Dolomite sa Manila Bay
Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang environmental group sa Maynila para kundinahin ang kontrobersyal na paglalagay ng artificial sands na dolomite sa pampang ng Manila Bay.
Kabilang sa mga grupong nagsagawa ng protesta ay ang grupong PAMALAKAYA, Nilad, Anakpawis, Kabataan, Manila Baywatch at iba pang grupo.
Tinawag nilang “Jogging and Biking versus Dolomite Dumping” ang kanilang protesta.
Aabot sa humigit-kumulang limampung raleyista ang nagjogging at nagbisikleta mula sa Rajah Sulayman park patungo sa may parte ng Manila Bay, kung saan inilalagay ang mga dinurog na dolomite.
Apila nila ang tunay na rehabilitasyon ng Manila Bay na magbabalik sa tunay na ganda at sigla ng dagat.
Giit nila solusyon ang “aesthetic surgery” gaya ng paglalagay ng mga dinurog lamang na dolomite.
Madz Moratillo