Iba’t ibang grupo sa Negros Occidental, suportado ang Marcos- Duterte tandem
Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang organisasyon sa Negros Occidental sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte para sa presidential at vice- presidential race.
Sa isang manifesto, sinabi ng provincial at local executives, Federation of Sugarcane Planters, at People’s Organization na naniniwala sila sa mensahe ng pagkakaisa nina Marcos at Duterte na may pagmamahal sa bansa.
Ayon sa kanila, sa gitna ng mga hirap at pagsubok na nararanasan ng bansa ngayon, ang pagkakaisa ang unang hakbang upang makamit ang hinahangad na pag-usad ng bansa.
Nagpahayag rin ang mga ito ng kumpiyansa sa kakayahan ng dalawa na pamunuan ang bansa.
Naniniwala sila na sa pamamagitan ng tambalang Marcos at Duterte ay makakabangon ang bansa sa epekto ng pandemya dulot ng COVID-19.
Madelyn Moratillo