Iba’t-ibang kulay ng mga pasaporte, may kahulugan
Kung malimit kayong bumiyahe sa labas ng Pilipinas, maaaring napuna nyo na rin ang magkakaibang kulay ng pasaporte ng ibat-ibang mga bansa. may berde, asul, maroon red o kaya naman ay itim.
Alam nyo ba na ang kulay ng mga pasaporte ay may kahulugan? May mahalagang rason ang bawat bansa sa pagpili ng magiging kulay ng kanilang pasaporte.
May apat na pinaka karaniwang kulay ang mga pasaporte. Asul, maroon, berde at itim. Bagama’t wala naman talagang regulasyon para sa magiging kulay ng pasaporte, ang apat na nabanggit na kulay pa rin ang pinipili ng mga bansa upang ipakita ang kanilang kultura, pamana at pagiging kabilang sa pandaigdig na mga samahan.
Halimbawa, karamihan ng mga bansang kabilang sa European Union o EU, ay nag-i-isyu ng maroon na pasaporte bilang pagkakakilanlan na bahagi sila ng naturang organisasyon.
Maging ang ilang mga bansa na nagnanais na mapabilang sa EU gaya ng Turkey, ay nagpalit na ng kulay. Maroon na rin ang pabalat ng kanilang pasaporte. Siempre, ang shade ng mga kulay ay nagbabago rin sa bawat bansa.
Halimbawa, mas pinili ng Switzerland ang darker shade ng pula bagamat bahagi sila ng EU, dahil ito ang kulay ng kanilang bandila. Iba rin ang shade ng temporary passports kaysa sa permanente.
Iba rin ang shade ng temporary passports kaysa sa permanente.
Sa Sweden, kapag ang isang mamamayan doon ay nawalan ng travel document, bibigyan sya ng temporary passport na dark pink ang kulay sa halip na calm maroon, na siyang kulay ng permanenteng pasaporte.
Pagdating naman sa berdeng pasaporte, mas karaniwan ito sa mga bansang islamic at ilang bansa sa Africa dahil ang berde ay may mahalagang papel sa islam, na dahilan din kung bakit mas malimit ay may kulay berde sa bandila ng mga nabanggit na bansa.
Bihirang bihira naman ang itim na pasaporte. Ang pabalat ng pasaporte sa ilang bansa sa Africa gaya ng Congo, Botswana, at Angola, at maging ng China ay itim. Itim din ang pasaporte ng mga taga New Zealand, katulad ng pambansang kulay nila.
Pangkaraniwan din ang asul na pasaporte. 81 mga bansa ang gumagamit ng kulay na ito. Karamihan dito ay mga bansa mula sa Caribbean at The Americas, gaya ng Canada, Jamaica, at Barbados. Asul na pasaporte rin ang gamit ng Australia, Ukraine, Hong Kong, at India.
Maging ang Estados Unidos ay asul din ang pasaporte na umaayon naman sa kulay ng watawat ng America, pero hindi ito sa lahat ng pagkakataon. Katunayan, bago ang 1976, ang mga pasaporte sa America ay may iba’t ibang shade ng pula, berde at maging ng beige sa magkakaibang panahon.
Mas maraming mga bansa rin ang gumagamit ng darker shade at may ilang kadahilanan para rito. Hindi kasi madaling mahalata na marumi na ang pasaporte kung darker ang shade nito, at mas mukha rin itong official kumpara sa bright colored passports.
Sa kabilang banda, mas madali ring makita at mabasa ang insignia ng isang bansa na karaniwang printed gamit ang silver o gold. Katunayan, for aesthetic purposes kaya mas pinili ng China na gamitin ang itim na pabalat sa kanilang pasaporte.
Madalas na ang diplomatic travel documents ay iba ang kulay kaysa regular na pasaporte. Halimbawa, ang chinese diplomatic passports ay pula, dahil ang mga diplomat ay pinaniniwalaang kumakatawan sa partidong komunista.
Katulad nito, ang mga organisasyon gaya ng International Police o Interpol ay may sarili ring kulay ng pasaporte, at ito ay itim. Habang ang United Nations o UN passports naman ay laging asul.
Liza Flores