Iba’t-ibang opinyon ng mga eksperto sa Chacha, titimbangin ng Senado
Hati ang pananaw ng mga Senador sa panukalang amyendahan ang Economic Provisions ng Saligang Batas.
Kung si Senate President Vicente Sotto III, ang tatanungin, nakumbinse siya sa pahayag ni dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna.
Nauna nang sinabi ni Azcuna sa pagdinig ng Senado na hindi na akma ang restrictive economic provision sa kasalukuyang takbo ng mga negosyo at kailangan na itong amyendahan para maibangon ang patuloy na pagbulusok ng ekonomiya na dulot ng Pandemya.
Statement Senate Pres. Sotto:
“We should take all opinions on the matter. Justice Azcuna’s proposal is practical and convincing. We have to weigh both sides”.
Gayunman, sinabi ni Sotto na hindi aniya siya ang maaaring magdesisyong mag-isa kundi ikokonsulta sa mga kapwa Senador ang lahat ng naiprinsintang opinyon at pag-aaral hinggil dito bago gumawa.
Pabor rin Senador Christopher Bong Go na magsagawa ng Charter Change kung lilimitahan ito sa Economic Provisons.
Kailangan aniya ng bansa ang tulong ng mas maraming foreign investors lalo na ngayong negatibo ang gross domestic product ng bansa.
Senador Bong Go:
“Kailangan natin magbukas para sa mga investors at lumago muli ang ekonomiya a dagdagan ang trabaho pwede kung economic pero kung makikinabang ang pulitiko ayaw naming makinabang ang pulitiko”.
Pero para kay Senador Ralph Recto, marami pang paraan para ibangon ang lugmok na ekonomiya at hindi sa pamamagitan ng Chacha.
Isa sa tinukoy nito ang pagpapatibay sa panukalang CREATE na magbibigay ng Tax incentives sa mga negosyo na makahihikayat rin ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.
Senador Ralph Recto:
“I personally am against amending Economic Provisions of the Constitution. I’d rather focus on passing laws that would help attract foreign investment and create jobs such as CREATE among SP Sotto”.
Meanne Corvera