Ibat-ibang sakit maaaring hadlangan sa pamamagitan ng diet na may prutas at gulay ayon sa mga eksperto
Sa mga pag aaral ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI, kabilang sa pamantayan ng wastong nutrisyon ang pagkain ng gulay at prutas.
Subalit maraming Pilipino ang hindi nakakain ng tamang dami ng mga ito.
Ayon sa FNRI, pababa nang pababa ang kunsumo ng prutas at gulay ng mga Pilipino at hindi rin nawawala ang kakulangan sa micronutrients.
Ang micronutrients ay karaniwang nakukuha sa mga gulay at prutas at malaki ang maitutulong para sumigla at makaiwas sa sakit.
Maging ang mga Top Nutritionist mula sa ibang bansa ipinapayo at itinataguyod ang pagkain ng maraming gulay at prutas para mapunuan ang mga kakulangan sa micronutrients.
Mainam na hangga’t maaari ay kalahati ng pinggang kakainan ay prutas at gulay ang nakalagay.
Dagdag pa ni Dr. Milton Stokes, director for global health & nutrition outreach Monsanto, Philippines sagana sa beta-carotene ang madilaw na prutas.
Mayaman naman sa bitamina at mineral ang saging, melon, at pinya.
Meron ding dietary fiber ang mga prutas para makatulong sa regular na pagdumi.
Payo pa ng mga eksperto, mas mainam na kumain ng iba-ibang uri ng gulay at prutas araw araw, mas maraming kulay, mas mainam.
Dagdag pa nila, ang pagkain ng prutas at gula ay pang hadlang ng karamdaman at pampahaba ng buhay.
Ulat ni : Anabelle Surara