Ibat-ibang Schools Division sa General Trias City, nakatanggap ng mga gamit pampaaralan mula sa kanilang LGU,
Namigay ang city government of General Trias Cavite ng mga kagamitang pampaaralan na magagamit ng mga eskuwelahan sa siyudad.
Kabilang sa mga ibinigay ng General Trias City Govt. sa mga School Division sa siyudad ay ang tatlong (3) units ng Riso Comcolor with offset stapling at (1 unit) high speed inkjet printers, mga bond papers at printer inks sa mga paaralan ang lokal na pamahalaan upang magamit ng mga guro sa kanilang paggawa ng Weekly Home Learning Plan.
Nagbigay rin ang Gen. Trias City Govt. ng nasa mahigit tatlong daang desktop computers na may kasamang computer tables.
Ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias ang mga kagamitang ito, para suportahan at tulungan ang nasa mahigit-kumulang 73,000 na mag-aaral na pumapasok sa mga pampublikong paaralang emelentarya at sekondarya sa lungsod lalo na ngayong ipinatupad sa bansa ang blended learning approach dahil sa pandemiyang dala ng Covid 19.
Ulat ni Jet Hilario