Iba’t-ibang sistema ng pandaraya sa Philhealth, ibinunyag ng mga Senador

Ibinunyag ng mga Senador ang iba’t- ibang  sistema ng pandaraya ng ilang tiwaling opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)  sa paglalabas ng reimbursement claims.

Ayon kay Majority leader Juan Miguel Zubiri, may mga binabayaran ang Philhealth na mga ghost patient habang ilang sakit ang pinapalala para makapag-claim ng malaking reimbursement.

Isa sa tinukoy ni Zubiri ang kaso ng isang Pamela del Rosario na nakapag claim. ng 1.7 million sa sakit na cancer matapos umanong ma-confine sa isang ospital sa Region 1.

Pero nang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI), walang mahagilap na Pamela del Rosario o sinuman sa pamilya nito.

Senador Zuburi:

“This is a very important case her case cancer supposedly cancer as well ghosts patients. This is a well documented case has yet be done. Pagnanakaw talaga ito this is blatant fraud and corruption”.

May mga ospital din aniyang ang pasyente ay may sakit lang na Hypertension pero idinideklarang mild stroke para pataasin ang claims.

May mga healthcare institutions rin aniya na nang biglang inspeksyunin ng mga imbestigador, maraming pasyente sa logbook pero nang tignan ang mga kwarto nawawala ang mga pasyente.

Sa pag- iimbestiga naman ng tanggapan ni Senador Francis Tolentino, may tatlong taon at 18 anyos na nakalista sa data base ng Philhealth na mga senior citizens.

May isang rehiyon din aniya na umaabot sa 40,000 ang centenarians.

Pangamba ni Tolentino baka malugi ang gobyerno kung ganito karami ang babayarang  centenarians.

Sa batas bukod sa 100,000 pisong ibinibigay sa mga umabot ng centenarians, libre ang kanilang pagpapagamot sa mga pampublikong ospital.

Pero depensa ni Philhealth President Ricardo Morales, nililinis na nila ang listahan.

Naka-flag na raw ito sa sistem at kung mau mag-claim hindi agad babayaran maliban kung ma-verify na ang kanilang identity.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us: